SINAKSAK SA ULO? Lalaki patay matapos Saksakin sa Ulo ng Katrabahong Pinatira niya sa Bahay


Nasawi ang isang lalaki matapos tarakan ng patalim sa ulo ng suspek na kaniyang katrabaho at pinatira pa niya sa kaniyang bahay sa Sampaloc, Manila.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang krimen nitong Martes ng umaga.

Magkasama umano ang biktima na si "Rod," 'di niya tunay na pangalan, at ang suspek sa pagdidikit ng campaign materials ng kandidato.

Sa CCTV footage, makikita ang biktima at kapatid nitong si "Mike," na nakaupo sa labas ng bahay nang hampasin at sipain ng suspek si Rod.

Maya-maya lang bumunot na ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak sa katawan ang biktima. 

Hanggang sa itinarak na ng suspek sa bungo ng biktima ang patalim na dahilan para matumba ito.


No comments:

Powered by Blogger.