NABAGOK? Lalaki agad na nasawi matapos mag-dive sa pool na mababaw pala ang tubig
Nauwi sa trahedya ang pamamasyal ng mga magkakaibigan nang maaksidente ang isa sa kanila matapos mag-dive sa swimming pool na mababaw lang pala ang tubig sa isang pribadong resort sa Karnataka, India.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapanonood ang viral video na inilabas ng mga awtoridad kaugnay sa nangyaring insidente sa naturang resort.
Isa sa mga guest ang nag-dive sa pool, na kinilalang si Nishant, 35-anyos.
Nakikiramdam naman ang kaniyang kasama na mga biker matapos hindi umangat sa tubig ang kaniyang ulo.
Ilang saglit pa, naalarma na ang buong grupo, at agad iniahon si Nishant, na wala nang malay noon.
No comments: