Bumangga Bigla? Bus na pinaparada lang sana, sumalpok sa tindahan habang kumakain ang driver


Habang naghihintay ng biyahe ang ilang pasahero, isa sa kanila ay muntik nang masagasaan matapos ang biglaang abante ng bus papunta sa kanyang kinauupuan. 

Dalawang tao ang nasugatan, kabilang ang isang store attendant na nagtamo ng head injury at agad na dinala sa ospital. 

Ayon kay Edwin Tan, isang store owner sa terminal, “Pag-abot nako diha gahilaka nato akong tindera ug iyang mama nagtakiang to diri to gitabang na luk-od sa ilalom.” Isa pang biktima ay nagtamo ng sugat sa paa. 

Base sa paunang imbestigasyon, hindi ang driver kundi ang dispatcher ang nagmamaneho sa bus sa oras ng insidente dahil ang driver ay kumakain umano ng agahan. 

“Wala mosulod ang neutral… nabuy-an ang clutch mao niulpot siya,” paliwanag ni Tan. 
“Routine naman gud na nila ang dispatcher maoy mo parking kay ang mga driver mamahaw… ang dispatcher maoy moplastar.”


No comments:

Powered by Blogger.