SINAKSAK? Babaeng lulong sa online gambling sinaksak ang anak dahil sa Wi-Fi password





Isang insidente ng karahasan sa loob mismo ng tahanan ang gumulat sa mga residente ng Muntinlupa City matapos arestuhin ng pulisya ang isang ina na sinasabing sinaksak ang sariling anak dahil sa simpleng alitan sa Wi-Fi password. 

Nag-ugat ang away nang lapitan ng ina ang isa pa niyang anak para humingi ng Wi-Fi password. 

Ngunit ang biktima raw ang tanging may alam nito at sadyang pinalitan ang password upang hindi magamit ng kanilang ina, na umano’y lulong na sa online sugal. Nainis umano ang ina sa nangyari at pinagbalingan ang anak, dahilan para makialam ang biktima. 

Dito na raw siya inundayan ng saksak ng sariling ina, na nagtamo ng sugat sa kanyang kanang braso.

No comments:

Powered by Blogger.