BINURA NA? FB Account at ni Yanna Motovlogger na nangompronta ng motorista deleted na daw ni m3ta
Nabura ang Facebook page ng moto vlogger na si Yanna Aguinaldo o mas kilala bilang si Yanna Motovlog, ilang linggo matapos siyang masangkot sa isang kontrobersiya.
Hindi na mahagilap ngayon sa Facebook ang nasabing page na mayroong mahigit 400,000 followers at isa sa mga pinagkakakitaan ni Yanna.
Matatandaang si Aguinaldo ang vlogger na ibinahagi sa social media ang alitan nila ng motoristang si Jimmy Pascua habang siya ay nagbi-biyahe sa Zambales.
Ayon sa ilang ulat ay umabot umano sa P50,000 ang kinita ni Yanna sa nasabing video bago niya ito burahin.
Dahil sa nangyaring insidente ay patong patong na reklamo ang kinakaharap ngayon ni Aguinaldo mula sa Land Transportation Office (LTO) at mula sa kampo ni Pascua.
No comments: