KUHANG KUHA SA CTTV! Motorcycle rider patay nang mabangga ng patrol car at Tumilapon sa Kalsada



Nakunan ng CCTV camera ang pagbangga ng isang motorsiklo sa patrol car ng pulis sa Torralba, Banga, Aklan Martes, May 20, 2025.

Makikita sa cctv footage na humaharurot ang takbo ng motorsiklo pagdating sa crossing hanggang sa bumangga ito sa paparating na patrol car ng 1st Mobile Force Company.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa kalsada ang rider na kinilalang si Efren Valencia, residente ng Sibalew, Banga, at isang habal-habal driver.

Sa imbestigasyon ng Banga PNP, papunta sa Poblacion, Banga ang direksyon ng patrol car at ang motorsiklo naman ay galing sa bahagi ng Sitio Mangga ng nasabing barangay.

Isinugod pa sa Aklan Provincial Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo.

No comments:

Powered by Blogger.