PUSA GINAMIT? Nahuli ang pusang ginamit ng mga Sindikato para magpuslit ng droga sa loob ng kulungan
"Caught in the cat" ang naging eksena sa isang piitan sa Pococi, Costa Rica nang mahuli ang isang pusa na may nakatagong ilegal na droga sa telang nakabalot sa kaniyang katawan.
Nang mahuli ang pusa, dinala nila ito sa kuwarto at ginupit ang tela sa kaniyang katawan. Doon na nakumpirma na mayroong nakatagong mga pakete ng marijuana, 70gramo ng cocaine paste, at dalawang papel na ginagamit na drug paraphernalia.
Ayon sa awtoridad, sinanay umano ang pusa na magpuslit ng ilegal na droga sa loob ng kulungan.
Ang nahuling pusa na tinawag nilang "Narcomishi," o "Narco Kitten," ibinigay naman sa pangangalaga ng National Animal Health Service (SENASA).
No comments: