BINARIL NI LOLO? Lalaking napagkamalang akyat-bahay binaril ng senior na kapitbahay



Patay ang isang 31-anyos na lalaki sa pamamaril ng 72-anyos na kapitbahay matapos umano siyang mapagkamalan na akyat-bahay sa Barangay Maybunga, Pasig City, noong Mayo 13.

Sa CCTV footage mula sa Barangay Maybunga, pasado ala una ng madaling araw noong nakaraang Martes huling nakitang buhay si Alvin "Nano" Dela Cruz.

Lumabas siya mula sa kanilang compound at pumasok sa kabilang eskenita.

Ayon sa testigo, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek bago ang pamamaril.

"Nakarinig po ako ng dalawang boses na nag-uusap, maya-maya tumaas na 'yung tensyon nung isang matanda, tapos nung pumasok ako ng looban naglabas na po siya ng baril kasama 'yung dalawang apo, may hawak na pamalong bakal, sabay putok na lang sa tagiliran. Tapos doon nagmamakaawa sa kanya 'yung tao. 'Wag mo ko patayin, may anak ako, dalawang taon.' Hindi nakikinig," sabi ng testigo.

No comments:

Powered by Blogger.