UMIYAK NALANG? Dalagang galing probinsiya napaiyak nang matapon ang kaniyang paninda dahil sa ulan



Humalo sa ulan ang luha ng isang dalagang tindera ng mani sa Quezon City, nang itaob namg malakas na hangin at mabasa sa ulan ang paninda niyang mani. Napag-alaman na bagong salta lang siya sa Maynila at nakipagsapalaran upang matulungan ang iniwan niyang pamilya sa probinsiya.

Makikita na wala nang nagawa si Nicka Jean Palis, 20-anyos, kung hindi magpakabasa na rin lang sa ulan dahil hindi niya malaman kung papaano pa maisasalba ang natapon niyang panindang mani kung saan nakabase sa kaniyang benta ang kaniyang kikitain sa isang araw.

Sa video, madidinig ang tinig ng isang lalaki na pinapasyuhan siya na tanggapin na lang ang nangyari at huwag na siyang umiyak dahil gawa ng kalikasan ang nangyari.

"Sorang lakas po ng hangin kaya natumba yung payong, nataob yung kariton ko," ayon kay Nicka Jean.

No comments:

Powered by Blogger.