NAMARIL? Lalaking biglang namaril ng nakaaway niya sa kalsada at estudyanteng babae nadamay pa
Isang lalaki at isang babaeng estudyante ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa isang kalsada sa Tondo, Maynila. Ang suspek, binalikan umano ang lalaking biktima na nauna niyang nakaaway sa kalsada.
Napatakbo ang biktima at ang mga tao sa lugar, kasama na isang babaeng estudyante na nakaupo noon sa gilid ng daan.
Nahuli-cam ang suspek na naglakad palayo matapos ang pamamaril kasama ang isang babae na kaniyang asawa.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na hindi magkakilala ang suspek at biktima pero nagkaroon sila ng pagtatalo sa kalsada bago ang pamamaril.
No comments: