MUNTIK NA TALAGA! Lalaking masayang nagse-cellphone muntik nang mabagsakan ng crane
Dahil sa pagiging abala sa paggamit ng cellphone, muntik nang mapahamak ang isang lalaki nang bumagsak ang crane sa isang construction site sa Jiangsu, China.
Mapanonood na nagtatakbuhan na ang mga tao sa paligid, ngunit abala pa rin sa pagse-cellphone ang lalaki.
Batay sa mga lokal na ulat, ginagawa noon ang ika-23 palapag ng gusali nang makarinig ng dagundong ang mga manggagawa.
Nang magtakbuhan ang mga manggagawa, naiwan ang lalaki na nagse-cellphone hanggang sa bumagsak na ang boom ng crane.
Sa kabutihang palad, nakapagtago ang lalaki sa mga tipak ng semento na siyang napuruhan sa pagbagsak ng crane.
No comments: