NAHULOG SA BANGIN? 5 patay at 5 sugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang truck sa bangin sa Davao Oriental
Lima ang nasawi, at lima pa ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang dump truck na may kargang graba sa pababang bahagi ng daan sa Caraga, Davao Oriental.
“Papunta sila sa Sitio Bantawan, ‘yung sa may ginagawang kalsada. Tapos nang dumating na sila sa may pa-downhill, doon na nag-lost control ang sinasakyan nila,” ayon kay Caraga Police investigator Police Corporal Rhym Pamaclawan.
Kabilang ang isang inhenyero sa limang nasawi na nadaganan ng truck at graba. Dinala naman sa ospital ang lima pang sugatan.
No comments: