BINARIL NG RIDING IN TANDEM? 67-anyos na tricycle driver, patay matapos pagbabarilin habang namamasada



Patay ang isang tricycle driver na 67-anyos matapos siyang pagbabarilin habang namamasada sa Umingan, Pangasinan.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing binaril ng dalawang suspek na tumakas sakay ng motorsiklo ang biktima sa provincial road sa Barangay Lubong dakong 10:30 a.m. nitong Miyerkoles.

Maghahatid umano ng pasahero ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

“May karga [sakay] siya na pasahero. Pag-uwi para siyang… sinundan na siya, binaril na,” ayon kay Jason Corpuz, kaanak ng biktima.

No comments:

Powered by Blogger.