HINOLDAP AT BINARIL? Indian national sugatan matapos holdapin at barilin sa kaniyang bahay sa Malabon
Sugatan ang isang Indian national nang pasukin siya sa bahay ng dalawang suspek at holdapin sa Malabon. Nanlaban ang biktima hanggang sa labas ng bahay at doon na siya binaril ng isa sa mga suspek.
Ilang saglit lang, dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo na tumigil sa tapat ng bahay ng biktima at pumasok ang mga ito.
Hindi na nakita sa camera pero hinoldap umano sa loob ng bahay ang Indian national pero nanlaban ito kaya napaatras palabas ang dalawang suspek.
Gayunman, hinabol pa rin sila ng biktima na may hawak na helmet at doon na siya binaril at tinamaan sa braso.
Kahit sugatan, patuloy pa rin siya sa paghabol sa mga suspek na napatakbo at iniwan na ang motorsiklo.
No comments: