BINANGGA LAHAT? 3 patay nang salpukin ng isang delivery van ang ilang sasakyan sa Baguio City
Nasawi ang driver at dalawa nitong pahinante nang bumangga ang sinasakyan nilang delivery van sa ilang sasakyan at traffic signs sa Bokawkan Road sa Baguio City nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng van sa pababang bahagi ng kalsada at nagpagewang-gewang bago bumangga sa papaakyat na utility vehicle.
“Pababa siya, mabilis at medyo pagewang-gewang. At doon nabangga niya ‘yung nakasalubong niyang [Tamaraw FX] na paakyat naman ng Bokawkan,” ayon kay Police Major Mary Grace Marron, spokesperson ng Baguio City Police Office.
Nagpatuloy sa pagbaba ang van hanggang sa bumangga sa ilang traffic signs, at sumalpok sa mga nakaparadang SUV at AUV.
No comments: