HINABOL NG MAY BARIL? Lalaki arestado matapos habulin at barilin ang kaniyang live-in partner



Nauwi sa habulan at pagpapatutok ng baril ang ginawang pagsaway ng babae sa kaniyang live-in partner na lalaki na huwag maingay sa habang umiinom ng alak dahil natutulog ang sanggol nilang anak sa Cavite City.

Nakasunod naman sa kaniya ang kaniyang kinakasama na may dalang baril na itinutok sa direksyon ng babae at pinaputok.

Ayon sa pulisya, hindi tinamaan ang babae at naaresto kinalaunan ang suspek.

Ipinaliwanag umano ng suspek sa mga pulis na hindi niya naman talaga nais patamaan ang babae.

Sa imbestigasyon, nag-away ang dalawa nang sawayin umano ng babae ang suspek dahil sa malakas na pagpapatugtog habang umiinom ng alak.

Natutulog umano nang sandaling iyon ang anak nilang walong-buwan-gulang.

No comments:

Powered by Blogger.