PINAGBABARIL? Lalaking nagse-cellphone habang nakatambay patay sa pamamaril sa Taguig
Nasawi ang isang 37-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Barangay Cembo, Taguig City. Ang suspek sa krimen, tumakas na pero binalikan pa ang nakatumbang biktima para barilin muli.
Nilapitan nito ang biktima na nakatambay sa motorsiklo habang nagse-cellphone at kaniyang pinagbabaril.
Nang matumba ang biktima, sumabay ang suspek sa pagtakbo ng mga natakot na residente. Pero binalikan ng suspek ang biktima at muling binaril bago siya tuluyang tumakas.
Ayon kay Manuel de Jesus, assistant team leader ng barangay, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima.
No comments: