GULAT ANG LAHAT! Aswang na 'Tiktik' ang nakita sa bubungan ng isang bahay na mayroong buntis?
Dahil sa kaluskos na tila nais tuklapin ang bubong ng kanilang bahay, nabulabog ang isang pamilya sa Naic, Cavite nang alamin nila kung ano ang pinagmumulan ng ingay-- isa umanong aswang o tiktik na buntis ang pinupuntirya.
Sinabing maghahatinggabi noong nakaraang buwan nang mangyari ang insidente habang nagbabakasyon sa bahay ng kaniyang mga magulang si Lyn, na dalawang buwan nang buntis.
Ayon kay Lyn na sa Pampanga na nakatira, nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan pagsapit ng gabi mula nang magbakasyon siya sa naturang bahay sa Naic.
No comments: