Nagkaalitan Lang? Kagawad Pinagbabaril hanggang sa Masawi ng Kainuman na Nakaalitan


Isang barangay kagawad ang nasawi matapos barilin ng kaniyang kainuman na matagal na niya umanong kaalitan sa Sierra Bullones, Bohol.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nagresulta sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Nasapul sa dibdib ang biktima na isinugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek matapos tumakas.


No comments:

Powered by Blogger.