NAHULI NA! Suspek sa pagpatay sa babaeng dati niyang katrabaho sa QC Hemas Rehas Na
Naaresto na ang lalaking suspek sa pananaksak at pagpatay sa babaeng dati niyang katrabaho sa loob ng isang tindahan sa Quezon City. Ang suspek, nagtago sa lalawigan ng Surigao.
Sinabi ni Police Colonel Glen Silvio, District Director, QCPD, na nagtamo multiple stab wounds ang 27-anyos na biktima.
Kabilang dito ang tatlong saksak sa leeg na siyang naging dahilan umano ng kamatayan ng biktima.
Limang araw matapos gawin ang krimen, nadakip na ang 22-anyos na suspek na unang nakilala dahil sa kuha sa CCTV camera sa loob ng tindahan at sa naiwan niyang wallet nang gawin niya ang krimen.
Mula sa Surigao, ibinalik na siya sa Quezon City para harapin ang ginawa niyang krimen.
No comments: