DINAMITAN PARA DI MAHULI? Lalaking naglinis sa monumento ni Manuel Quezon, dinamitan pati rebulto
Humarap kay Real Mayor Julie Ann Macasaet ang lalaking naglagay ng damit sa monumento ng dating pangulong Manuel L. Quezon sa probinsya ng Quezon.
Sa video na ibinahagi ng alkalde sa kaniyang opisyal na Facebook account noong Huwebes, Abril 17, 2026, mapapanood ang pag-uusap niya at ng lakaking naglinis at naglagay ng damit sa rebulto ni Quezon sa kanilang bayan.
Mapapanood din sa video ang pulang t-shirt na isinuot ng lalaki sa rebulto ng dating Pangulo matapos umano siyang maglinis sa lugar, saad pa niya, nais pa raw niyang taniman ng mga rosas ang palibot ng bantayog.
Samantala, pinagsabihan naman ng alkalde ang lalaki at iginiit na labag sa batas ang ginawa niyang pagbibihis sa monumento.


No comments: