BINARIL NG ANAK SA MUKHA? Natutulog na nanay, binaril sa mukha ng sarili niyang anak sa Ilocos Sur
Sugatan ang isang 42-anyos na ginang matapos siyang barilin ng kaniyang 18 taong gulang na anak habang siya ay natutulog sa Bantay, Ilocos Sur.
Ayon sa mga ulat, .38 na kalibre ng baril ang ginamit ng suspek ng paputukan niya ang sariling ina. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha ang biktima na noo’y natutulog lang nang maganap ang insidente.
Kaagad naman siyang naisugod sa ospital at kasalukuyan nang nagpapagaling.
Samantala, batay sa inisiyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, wala umano sa tamang pag-iisip ang suspek nang barilin niya ang kaniyang ina.
Batay sa pulisya, kusang-loob na sumuko sa kanila ang suspek at iginiit na marami raw siyang pinagdadaanan kung kaya’t nagawa niya ang krimen laban sa biktima.


No comments: