TADTAD NG BALA ANG KATAWAN? Detainee na ibinabiyahe, napatay ng mga pulis matapos umanong tumakas at manlaban
Nahaharap sa reklamong homicide ang apat na pulis sa Catanduanes matapos masawi ang ibinabiyahe nilang detainee na nagpaalam umanong iihi pero nang-agaw daw ng baril at nagtangkang tumakas.
“Ang nag-file ng complaint po ay si wife niya [detainee] po at dalawang anak po,” ayon kay Del Gallego Police chief Police Captain Bernie Undecimo sa panayam sa telepono.
Ayon sa pulisya, mula sa Catanduanes Police Provincial Office ang apat na pulis na ibiniyahe noong Pebrero 6 papuntang Catanduanes mula sa Pasig City ang dalawang detainee, kabilang ang nasawi na si Michael Echague.
Pero tumigil ang sasakyan nila sa Rolando Andaya Highway dahil humiling umano ang mga detainee na iihi.
Nang alisin umano ang posas ni Echague, doon nito inagaw ang baril ng isang pulis at tinangkang iputok pero hindi pumutok dahil hindi pa nakakasa.
Tumakbo umano palayo ang detainee, at hinabol siya ng mga pulis.


No comments: