BASAG ANG ULO? 23 anyos na lalaking bagong salta sa Lapu-Lapu City, patay sa pamamaril
Patay ang isang 23-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Lapu-lapu City. Ang biktima, nagmula umano sa Surigao, at bagong salta lang sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa may-ari ng tricycle, nagulat na lang siya nang malaman na may duguang lalaki na nakita sa likod ng nakaparada niyang sasakyan. Hindi umano niya kilala ang biktima kaya naisip niyang hindi ito residente sa kanilang lugar.
Ayon sa ilang residente, hindi nila nakita ang pangyayari pero dakong hapon nitong Lunes nang makarinig sila ng mga putok ng baril.


No comments: