PINATAY NG AMA? 1-buwang-gulang na babae na isinilid ng ama sa bag, nasawi
Dinakip ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa pagkamatay ng kaniyang sanggol na anak na babae matapos niya itong ilagay sa bag sa Cagayan de Oro City.
Lumitaw sa imbestigasyon na hiniram ng suspek ang kaniyang anak sa ina nito na nasa Balingasag, Misamis Oriental, para ipakilala raw sa kaniyang mga magulang.
Pero nabahala ang babae at humingi ng tulong sa mga pulis nang hindi na niya makontak ang suspek.
Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) Spokesperson, Emilita Simon, nakalagay ang bata sa isang kulay asul na bag kasama ang mga diaper nang matagpuan ang labi nito.


No comments: