PINAKALAT ANG VIDEO? Maseselang video at pics ng dalagita, lumabas online matapos ipaayos sa technician ang cellphone niya
Arestado ang isang cellphone technician sa Jabonga, Agusan del Norte dahil sa hinala na siya ang nagpakalat ng maseselang larawan at video ng isang 17-anyos na babae na naunang nagpaayos sa kaniya ng cellphone.
Isinagawa ng mga pulis ang operasyon matapos humingi ng tulong ang mga magulang ng dalagita nang malaman nila ang paglabas ng maseselang larawan at video ng kanilang anak sa internet.
Lumitaw na sa suspek nagpatulong ang biktima nang magkaproblema ang cellphone nito.
Ayon kay RACU-13 Chief, Police Col. Lemuel Gonda, nag-apply sila ng digital warrant upang masuri ang electronic gadgets ng suspek upang malaman kung totoo ang alegasyon laban sa kaniya.


No comments: