PINAHIRAPAN AT PINATAY? Bangkay ng lalaking nakabalot ng duct tape ang mukha at nakagapos, natagpuan sa ilog
Isang bangkay ng lalaking nakagapos at balot ng duct tape ang ulo ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Cotabato City.
Ayon sa mga ulat, nangangamoy na raw ang naturang bangkay na napag-alamang nasa state of decomposition na.
Natagpuan ng mga residente ang bangkay na tinatayang nasa edad 30–40 taong gulang at may taas umano na nasa 5’5”–5’6”, at nakasuot ng brown na short na may markang 18.
Sa panayam ng isang local news outlet sa mga awtoridad, iginiit ng pulisya na hindi raw nila iniaalis ang posibilidad na na maaaring biktima ng summary execution ang nasabing bangkay.


No comments: