BINOGBOG AT NINAKAWAN? Senior citizen na Pakistani na nakasagasa ng 4-anyos, kinuyog at pinagnakawan pa
Ginulpi na, pinagnakawan pa ang isang senior citizen na Pakistani matapos siyang makabangga ng isang apat na taong gulang na babae sa Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.
Mapanonood sa video na pinagsusuntok ang driver ng kotse ng dalawang lalaki habang pumasok naman sa loob ng sasakyan ang iba pang lalaki.
Sinabi ng Las Pinas City Police Station na walang plano noon ang Pakistani na takbuhan ang batang kaniyang nabangga.
"Hindi raw talaga niya napansin 'yung bata, nagulat na lang siya at may nabangga siya at na-run over niya 'yung bata... nu’ng nakita po ng mga bystander kasi marami pong tao sa lugar na 'yun ay kinuyog po siya,” sabi ni Police Colonel Wilson Delos Santos.


No comments: