SABOG ANG KAMAY? 11-anyos na lalaki, nawasak ang kamay matapos masabugan ng pinulot na paputok
Naputulan ng apat na daliri ang isang 11-anyos na lalaki matapos sumabog sa kaniyang kamay ang napulot na paputok sa Lingayen, Pangasinan. Batay sa tala ng Department of Health–Ilocos Region, sa 170 firecracker-related injuries sa buong rehiyon mula December 21 hanggang January 1, karamihan sa mga biktima ay mga bata na edad 10 hanggang 14.
Ayon sa ina ng bata, nagpaalam ang kaniyang anak na lalabas lang kasama ang mga kaibigan nang mangyari ang hindi nila inaasahan.
“Nagulat po ako, talagang umakyat lahat ng dugo na halos matumba ako kasi noong binalita nila yung nangyari,” saad ng ina.
Ayon sa R1MC, umabot sa 45 biktima ng paputok ang kanilang ginamot ngayon, mas mataas kumpara sa 29 na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.


No comments: