banner

PUTOL ANG KATAWAN? Lalaking tumutulong sa naaksidenteng mga rider, nasawi nang mahagip siya ng truck



Sariling buhay ang naging kapalit sa ginawang pagtulong ng isang lalaki sa mga naaksidenteng sakay ng motorsiklo sa Balingasag, Misamis Oriental. Ang lalaking nagmalasakit, nasawi matapos siyang masagasaan ng isang wing van truck.

Ayon sa awtoridad, may kasama pa ang 42-anyos na biktima pero nakaligtas ito dahil nagawa pa siyang maitulak ng lalaki.

Batay sa mga kuwento ng saksi, sinabi ni Balingasag Municipal Police Station Traffic Investigator, Master Sergeant Bryan Baillo, na napadaan lang umano ang biktima at kasama nito sa naunang aksidente at nagpasyang tumigil para tumulong.

No comments:

Powered by Blogger.