PINAGBABARIL SA MOTOR? Magkapatid na galing sa lamay, patay matapos pagbabarilin habang pauwi
Nasawi ang magkapatid na edad 29 at 25 matapos silang pagbabarilin habang pauwi mula sa pinuntahang lamay sa Dolores, Abra.
Nakita ang bangkay ng isa sa mga biktima sa maliit na daan, habang nasa kanal naman ang isa pa.
Kapuwa nagtamo ng tama ng bala sa mukha ang magkapatid.
Ayon sa pulisya, nakita sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang pamilya ng mga biktima, ayon sa ulat.


No comments: