NAKIPAGBARILAN SA PULIS? Suspek sa paghagis ng granada sa Matalam, Cotabato, patay nang manlaban umano sa mga pulis
Patay matapos umanong manlaban sa mga pulis ang suspek sa paghahagis ng granada na ikinasugat ng 22 katao sa gitna ng selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Matalam, Cotabato.
Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Matalam Police na nagsagawa sila ng hot pursuit operation laban sa suspek na si alias “Can.”
“The suspect resisted arrest and drew his short firearm and sporadically shot the arresting PNP personnel prompting the police to return fire,” saad ng pulisya.
Nakuha mula sa suspek sa crime scene ang isang.45 caliber pistol, isang magazine, at mga bala.


No comments: