NABARIL SA BETLOG? Lalaki sa Batangas, aksidenteng nabaril sariling 'betlog' habang nasa inuman
Napuruhan ang maselang bahagi ng katawan ng isang lalaki mula sa Batangas, matapos niyang aksidenteng maputukan ng baril ang mismong ari niya.
Ayon sa mga ulat, nasa inuman umano ang 54 taong gulang na biktima nang mangyari ang aksidente.
Sinasabing nakasukbit daw kasi ang isang converted caliber .22 handgun sa kaniyang baywang nang bigla na lamang daw itong pumutok. Direktang tumama ang bala ng baril sa kaniyang ari.
Samantala, agad namang naisugod sa Calatagan Medicare Center ang biktima kung saan agad siyang nagamot mula sa tinamong pinsala.
Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente, kabilang na ang ilang mga salaysay na itinapon na raw ng biktima ang kaniyang baril sa ilog ng Barangay Lucsuhin.


No comments: