banner

BINENTA ANG ANAK? 17-anyos na ina na tinangkang ibenta online ang sanggol na anak sa halagang P55k, inaresto



Dinakip ng mga awtoridad ang isang 17-anyos na ina matapos na mabisto na ibinebenta niya online ang kaniyang anak na isang-buwang-gulang lang sa halagang P55,000. Ang kaniyang partner na 18-anyos, inaalam naman kung pananagutan din sa kaniyang ginawa.

Ayon sa pulisya, sinubaybayan nila ang ina nang malaman nila na iniaalok nito ang anak sa mga nais na mag-ampon sa social media.

Nalaman ng mga pulis na balak umanong gamitin ng ina ang makukuha pera sa pagbebenta ng anak upang ipalit sa nagastos nitong tuition fees.

No comments:

Powered by Blogger.