banner

SINUNDAN AT BINARIL? Dating barangay kagawad, patay nang barilin ng riding-in-tandem sa Pateros, bag na may P500K tinangay



Patay ang isang dating barangay kagawad ng San Pedro, Pateros matapos siyang abangan at tambangan ng riding-in-tandem. Ang kaniyang bag na may laman umanong P500,000, tinangay din ng mga kawatan.

Nakunan sa CCTV na sinundan si Tañga ng riding-in-tandem pagkaalis niya ng kanilang bahay bago mag-10 p.m.

Sa isa pang kuha ng CCTV, mapanonood na matagal na palang naghihintay ang dalawa sa may ‘di kalayuan.

“Pauwi siya galing sa amin at may sumunod sa kaniyang motor. Ang kuwento ay sinipa siya, sinipa ang motor, inagaw ang bag pagkatapos, saka siya binaril,” sabi ni Mina Tañga, kapatid ng biktima.

Sa bahagi ng Barangay Ususan sa Taguig naabutan ng mga suspek ang biktima, at nakuha ng isa sa kanila ang kaniyang bag. Lumayo na ang biktima ngunit sinundan pa rin siya ng isa sa mga suspek at doon siya pinagbabaril.

No comments:

Powered by Blogger.