banner

NAKIPAGBARILAN PA? Lalaki na nanaksak ng mag-ina sa Davao City, napatay ng rumespondeng pulis



Napatay ng rumespondeng pulis ang isang 43-anyos na lalaki na nauna umanong nanaksak sa isang mag-ina sa Davao City nitong Martes.

Una umanong inatake ng suspek ang 26-anyos na may-ari ng shop na nagtamo ng tatlong saksak sa katawan. Sumaklolo naman ang ina ng biktima pero sinaksak din siya sa likod.

Parehong isinugod sa ospital ang mag-ina para gamutin ang tinamong mga sugat.

Rumesponde naman ang mga pulis ng Task Force (TF) Davao at Calinan Police Station hanggang sa matunton ang suspek sa bahay ng kaniyang biyenan.

Pero sa halip na sumuko, tinangka rin umano ng suspek na saksakin ang isang tauhan ng TF Davao na napilitang barilin siya.

Matapos maaresto at makuha ang dalang patalim, isinugod ang suspek sa pagamutan pero binawian na siya ng buhay.

No comments:

Powered by Blogger.