banner

BASAG ANG ULO? 19-anyos na rider, patay matapos sumalpok sa kasalubong na kotse ang minamaneho niyang motorsiklo



Nasawi ang isang 19-anyos na rider matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa Macasandig Boulevard sa Cagayan de Oro City noong Lunes, Disyembre 29, 2025.

Ayon pa sa pulisya, may hinahabol din umano na isa pang motorsiklo ang biktima, na residente ng Libona, Bukidnon.

Subalit nag-overshoot umano ang rider sa palikong bahagi ng kalsada at napunta sa kabilang linya ng kalsada na dahilan upang bumangga siya sa kasalubong na sasakyan.

No comments:

Powered by Blogger.