banner

TINADTAD NG BALA? Lolo na bagong laya patay matapos binulagta ng bala habang naglalakad



Isang araw pa lamang matapos makalaya mula sa kulungan, nasawi ang isang 75-anyos na lolo matapos itong pagbaba­rilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Buenavista sa Quezon noong Martes.

Sa ulat ng pulisya, nag­lalakad pauwi ang biktimang si alyas “Doming” nang salubungin ito ng sunod-sunod na putok sa Sitio Niyugan, Barangay Buenavista bandang alas-4:00 ng hapon.

Agad itong binawian ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na kalalabas lang sa kulungan ng biktima noong noong Setyembre 29 matapos ma-dismiss ang kasong panghahalay laban sa kanya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen.

No comments:

Powered by Blogger.