banner

SOBRANG WASAK? Naglalako na malunggay pandesal sumabog ang gulong at bumangga sa isang cargo truck sa kabilang linya



Nagkalat ang mga tinapay sa kalsada matapos sumalpok ang isang tricycle, na naglalako ng malunggay-pandesal, sa cargo truck sa bahagi ng national highway sa Purok 3, Barangay Sanghan sa Cabadbaran City, Agusan del Sur pasado alas-11 ng umaga noong September 30.

Ayon kay Patrolman Vito Cagula Jr., traffic investigator, sumabog ang likurang gulong ng tricycle. Dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at tumawid sa kabilang linya ng kalsada, saka tuluyang bumangga sa truck.

Sinagot naman ng may-ari ng inilalakong malunggay-pandesal ng tricycle driver ang pagpapagamot nito sa natamo niyang minor injuries.

Nagkaareglo rin ang magkabilang panig at napagkasunduang sasagutin ng panig ng tricycle driver ang pinsala sa cargo truck.

No comments:

Powered by Blogger.