banner

BINANGGA NG SASAKYAN? Sapul sa CCTV ang pagsalpok ng isang sasakyan sa isang kariton ng kakanin sa tabing-kalsada



Sapul sa CCTV ang pagsalpok ng isang sasakyan sa isang kariton ng kakanin sa tabing-kalsada sa Brgy. Balibago, Santa Rosa City, Laguna madaling araw ng Biyernes, Oct. 3.

Inabot at nagulungan ng sasakyan ang isang lalaki na bumibili lang ng kakanin habang masuwerteng nakailag ang tindero. Walang-malay na dinatnan ng mga awtoridad ang biktima na agad ding dinala sa ospital.

Base sa imbestigasyon, nakatulog daw ang driver at hindi na namalayang napunta na siya sa kabilang lane. Nasa kustodiya na siya ng mga pulis at nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property at serious physical injuries.

No comments:

Powered by Blogger.