TALIK KAPALIT NG UTANG? Lalaking humirit umano ng sex sa dalagita bilang bayad sa utang, arestado sa Pangasinan
Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki sa loob ng isang inn sa Mangaldan, Pangasinan, matapos umanong pilitin ang isang 17-anyos na babae na magtalik sila bilang kabayaran sa utang nitong P1,500 sa suspek.
Ayon sa pulisya, nagsumbong sa mga awtoridad ang biktima kaya ikinasa ang operasyon laban sa suspek, na nahulihan din umano ng shabu.
No comments: