NAIPIT SA ILALIM? 1 patay, 2 sugatan nang mahulog sa bangin ang isang truck sa Zamboanga del Norte
Patay ang isang pahinante, habang sugatan ang driver at isa pa nilang kasama nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Gutalac, Zamboanga Del Norte.
Ayon sa Police Regional Office-Zamboanga (PRO-9), tinatayang may lalim na 20 talampakan ang binagsakan ng truck na may kargang mga kape at milk products.
No comments: