NAG LIVE PA? Lalaking wanted, natunton dahil sa kaniyang online live selling kahit naka-facemask
Kahit nakasuot ng facemask, nakilala pa rin at nadakip ang isang lalaking wanted sa batas dahil sa kaniyang online live selling. Kahit may takip kasi ang mukha niya, kita naman ang kaniyang tattoo sa braso.
Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa suspek nang makita siyang nagla-live selling online at napansin ang hugis ng kaniyang mukha at tattoo sa braso.
“Siya ay naka-face mask, naka-sumbrero, at naka-salamin na hindi tipikal sa paningin ng ating mga kababayan kapag sila ay nagbebenta o nagla-live selling,” sabi ni Philippine National Police Highway Patrol Group spokesperson Police Leiutenant Nadame Malang.
No comments: