NABIYAK ANG ULO? 20-anyos na rider na nag-motorcycle stunt, patay nang bumangga sa nakaparadang taxi sa CDO
Nauwi sa trahediya ang motorcycle stunt umano ng isang 20-anyos na rider matapos siyang mawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa nakaparadang taxi sa gilid ng kalsada sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office Traffic Unit Investigator, Senior Master Sergeant Charles Ebueza, sinabi ng kasama ng biktima na hinamon ito magpakitang-gilas kaya naman umarangkada umano at nagsagawa ng stunt.
No comments: