banner

TUMILAPON SA TULAY? Pickup truck, bumangga sa bakod ng tulay, 1 sa mga sakay ang tumilapon sa ibaba



Isa ang nasawi at 10 ang sugatan nang bumangga sa bakod ng tulay ang isang pickup truck sa General Santos City. Ang isa sa mga sakay nito, tumipon sa ibaba ng sapa na walang tubig nang mangyari ang insidente.

Sinabing pauwi na ang mga biktima galing sa isang resort sa T’boli, South Cotabato nang mawalan umano ng preno ang sasakyan sa pababang bahagi ng daan nitong Huwebes ng hapon sa Barangay San Jose.

Ayon sa pulisya, babaeng 49-anyos ang nagmamaneho sa sasakyan na wala nang nagawa nang hindi na makontrol ang manibela at tumama sa bakod ng tulay.

No comments:

Powered by Blogger.