banner

NAWALA SA SARILI AT NAGBARIL? Nag-amok na tauhan ni Kerwin Espinosa, binaril umano sarili sa loob ng bahay ng alkalde



Patay na nang natagpuan ang katawan ng isa sa mga tauhan ni Albuera, Leyte Mayor Erwin Espinosa na nagbaril umano ng sarili sa loob ng bahay  ng alkalde noong Huwebes, Agosto 7, 2025.

Ayon sa mga ulat, agad na naitawag sa mga awtoridad ng ilan sa mga saksi sa loob ng bahay ni Espinosa ang ilegal na pag-discharge ng firearms ng biktima.

Nag-amok din umano ang nasabing tauhan sa loob ng bahay ni Espinosa habang siya ay nasa Municipal Hall. Batay pa sa mga ulat, nakakaranas din daw ng depresyon ang biktima.

Matapos ang ilang sandali, nagkulong na raw sa isang kwarto ang biktima at agad na ini-lock ang pinto nito. Sinubukan pa raw siyang pakiusapan ng ilan pang mga tauhan sa loob ng nasabing bahay ngunit hindi raw ito nagpaawat.

Doon na raw nagpasiya si Espinosa na umuwi at makipag-negosasyon sa biktima. Mismong ang biktima pa raw ang nanghingi ng presenya ng media bilang parte ng kaniyang hiling sa alkalde.

Tinatayang tumagal ng 30 minuto ang negosasyon ng biktima sa alkalde. Maya-maya pa, umalingawngaw na raw sa loob ng bahay ang putok ng baril. Doon na raw nagpasiya ang mga awtoridad na sapilitang buksan ang kuwarto kung nasaan ang biktima matapos ang hindi na niya pagsagot.

Doon na raw tumambad sa mga awtoridad ang bangkay ng biktima na nasa nakahiga sa kama at may tama ng bala sa kaniyang ulo. Narekober din sa kaniya ang .45 caliber pistol at ilang ATM cards at cash na nagkakahalaga ng ₱56,570.

No comments:

Powered by Blogger.