TINAPON SA DAGAT? Pinaslang na ex-beauty queen, nilagyan ng pabigat ang bangkay pero lumutang sa dagat kaya natagpuan
Kahit nilagyan ng sako na may pabigat na bato ang bangkay, lumutang pa rin sa dagat sa Tacloban sa Leyte kaya natagpuan ang bangkay ng isang dating local beauty queen na dinukot ng mga armadong lalaki sa labas ng kanilang bahay sa Ormoc City.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” napag-alaman na umaga noong July 31 habang papunta sa grocery nang dukutin si Akini Arradaza ng mga armadong lalaki at sapilitang isinakay sa kotseng itim.
Ayon sa kapatid ni Akini na si Patricia, may mga tao noon nang mangyari ang insidente pero walang nakasaklolo dahil armado ng baril ang mga salarin.
No comments: