PINAGTULUNGAN? 9-anyos na lalaki na na-coma matapos umanong gulpihan ng 4 na High School students, nagkamalay na
Nagkamalay na ang lalaking siyam na taong gulang na na-coma dahil umano sa panggugulpi ng ilang High School students sa Iligan City, Lanao del Norte.
Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkoles, sinabi ng ama ng biktima na nakauwi pa ang kaniyang anak pero dinala nila sa ospital noong August 4 matapos dumaing na masakit ang ulo.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima kasama ang isang kapitbahay nang abangan sila ng apat na suspek.
No comments: