banner

NAMATAY DAHIL SA ALAK? Lalaki, patay pagkatapos uminom ng beer sa isang buwan na walang kain



Natagpuan siyang wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan ng mga lokal na rescuers sa Thailand. Ayon sa ulat, hiwalay sa asawa si Thaweesak at nakatira kasama ang kanyang 16-anyos na anak. 

Sa salaysay ng binatilyo, araw-araw niyang ipinagluluto ang kanyang ama bago pumasok sa paaralan ngunit hindi ito kumakain.

“Nilulutuan ko siya bago ako pumasok sa eskwela, pero hindi niya kinakain,” ani ng anak. 
Noong araw ng insidente, pag-uwi niya ay nadatnan niya ang ama na nagkaka-seizure, at nagkalat ang mga basyong bote ng beer sa paligid. 

Paliwanag ng mga eksperto, bagama’t may calories ang beer, wala itong sapat na sustansya para suportahan ang pangangailangan ng katawan.

No comments:

Powered by Blogger.