NALUNOD SA LAOT? 5 pasahero ang humihingi ng tulong matapos tumaob ang bangka sa Sapa Sapa, Tawi Tawi
'Yan ang sigaw ng isa sa mga sakay ng tumaob na bangka sa pagitan ng Mantabuan at Latuan Island sa Sapa-Sapa, Tawi-Tawi nitong Biyernes, Aug. 22.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sapa-Sapa, alas-11 ng umaga nang pumalaot ang limang indibidwal sa video patungong Poblacion para dumalo sa isang Islamic ceremony.
Ngunit dahil sa malakas na hampas ng alon, nasira ang unahang bahagi ng kanilang bangka at napasukan ng tubig hanggang sa ito’y tuluyang tumaob.
No comments: